-- ADVERTISEMENT --

Inihayag ni Bicol Saro Partylist Rep. Terry Ridon na na tumaas ng humigit-kumulang P70 milyon o mahigit 1,200 percent ang net worth ni Vice President Sara Duterte mula 2008 hanggang 2024.

Sa pagdinig ng House Committee on Justice kaugnay ng ikaapat na impeachment complaint laban sa Bise Presidente, sinabi ni Ridon na batay sa mga Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN), ang net worth ni Duterte ay nasa P18.49 milyon noong 2008 at P18 milyon noong 2009. 

Pagsapit ng 2023, umabot ito sa P77.5 milyon at P88.5 milyon noong 2024.

Sinabi ni Ridon na maaaring ituring itong “unexplained wealth,” na isa sa mga isyung nakasaad sa impeachment complaint. 

Gayunman, iginiit ng ilang mambabatas na kailangan ng mas tiyak na ebidensya tulad ng detalye ng bank accounts.

-- ADVERTISEMENT --

Sa panig naman ni Justice Committee Chairman, Rep. Gerville ‘Jinky Bitrics’ Luistro na hindi pa kinakailangang ilahad ang ganitong detalye sa kasalukuyang yugto ng proseso at maaari itong talakayin sakaling umusad ang kaso sa Senado bilang impeachment court.

Inihalintulad din ni Ridon ang reklamo sa naging kaso nuon ni dating Supreme Court Justice Renato Corona kung saan lumabas ang mga ebidensya sa mismong paglilitis sa Senado.