-- ADVERTISEMENT --

Nilampaso ng Minnesota Timberwolves ang Washington Wizards, 141 – 115.

Sa pagharap ng dalawa ngayong araw, gumamit ang Wolves ng impresibong 56.1% field goal percentage at ipinasok ang 55 field goals mula sa 98 na pinakawalan.

Sa 141 points na naipasok ng Minnesota, 76 o mahigit kalahati nito ay mula sa paint area.

Mula simula, hanggang sa huling bahagi ng laban, hindi na nakaganti ang Washington at dinanas ang 26-point deficit sa pagtatapos ng laban.

Muling nanguna sa panalo ng Wolves ang bagitong guard na si Anthony Edwards na nagpasok ng 14 field goals sa kabuuan, anim dito ay pawang mga 3-pointer.

-- ADVERTISEMENT --

Panibagong double-double din ang ginawa ni Wolves bigman Rudy Gobert sa kaniyang 18 pts, 14 rebounds.

Nanantili pa rin ang malamiyang depensa ng Wizards sa muli nitong pagkatalo lalo na sa rebounding, kung saan tanging 35 rebounds lamang ang nakuha ng koponan kontra sa 55 rebs ng minnesota.

Umabot pa sa 37 points ang pinakamataas na lead ng Minnesota, hanggang sa tuluyan na ring pinagpahinga ng koponan ang mga starter nito at hinayaan ang mga bench player na tapusin ang laban.

Ito na ang ika-25 pagkatalo ng Washington ngayong season.