-- ADVERTISEMENT --

Nagbabala ang World Health Organization (WHO) noong Martes sa posibilidad ng isang malawakang pagkalat ng chikungunya virus, kasunod ng pagtaas ng mga kaso nito sa ilang bansa simula ngayong taon.

Ayon kay Dr. Diana Rojas Alvarez, nakita na nila ang mga parehong babala gaya noong 2004-2005, kung kailan halos kalahating milyong tao ang tinamaan ng chikungunya sa buong mundo.

Sa pagtataya ng WHO, muling nag-umpisa ang mga kaso ng sakit sa mga isla, gaya ng Reunion, Mayotte, at Mauritius.

Ang chikungunya ay isang sakit na dala ng lamok na nagdudulot ng lagnat at matinding pananakit ng kasu-kasuan, at maaari itong ikamatay sa ilang pagkakataon. Sa kasalukuyan, naitala na ang sakit sa halos 119 bansa.

Nanawagan ang WHO ng agarang aksyon upang maiwasan ang malawakang pagkalat ng sakit.

-- ADVERTISEMENT --