-- ADVERTISEMENT --

Naniniwala si World Boxing Council president Mauricio Sulaiman na magkakaroon pa rin ng init sa boxing ring ang laban ni Filipino boxing icon Manny Pacquiao kay Mario Barrios.

Sinabi nito na wala siyang nakitang pagsisisi ng payagan niya si Pacquiao na hamunin si Barrios para sa welterweight title sa MGM Grand Las Vegas.

Ibinahagi nito ang kaparaanan na ginawa kung saan ang una ay pagsasailalim sa medical examinations at ito naman ay naipasa ni Pacquiao at nabigyan din siya ng lisensiya mula sa commission.

Ang Nevada kasi aniya ay isa sa mga estado na may pinakamahigpit at kinikilalang boxing commission sa buong mundo.

Inaprubahan din ng WBC board ang welterweight title fight ni Pacquiao kay Barrios.

-- ADVERTISEMENT --

Naging emosyonal pa aniya si Pacquiao ng tawagan siya ni Sulaiman dahil sa ang unang championship belt nito ay sa WBC flyweight at ngayon ay challenger siya sa WBC welterwieght.

Pinawi rin ni Sulaiman ang pagdududa kay Pacquiao dahil sa edad nitong 46 kung saan sinasabing wala na ito ng maibubuga.

Sinabi pa ni Sulaiman na ang boxing ay contact sports at nakita niya si Pacquiao na wala itong bisyo gaya ng pag-inom ng alak at hindi lumabis sa katawan kaya hanggang ngayon ay kondisyon pa rin ang katawan.