-- ADVERTISEMENT --

Naipanalo ng Golden State Warriors ang back-to-back game nito kontra sa San Antonio Spurs sa tulong ng dominanteng performance ni NBA superstar Stephen Curry.

Unang naipanalo ng Warriors ang laban kontra Spurs nitong araw ng Huwebes (Nov. 13) at sinundan ito ng isa pang panalo ngayong Sabado Nov. 15. Sa dalawang nabanggit na laban, gumawa ng parehong 40-point performance si Curry.

Sa ikalawang game, hawak ng Spurs ang lead sa halos buong laban hanggang sa pinilit ng Warriors na habulin ang deficit sa huling quarter. Maraming pagkakataon na umabot din ang lead sa double digit.

Nagawa ng Warriors na tuluyang pababain ang deficit sa 101-104, dalawang minuto bago matapos ang 4th quarter, at nanatili ang 3-point lead ng Spurs hanggang pumasok ang 50-second mark bago matapos ang laban.

Tuluyang nailapit ng Warriors ang score sa 107-108 sa 20-second mark, sa tulong ng isang lay-up ni Draymond Green.

-- ADVERTISEMENT --

Kinalaunan, ginawaran ng dalawang free throw si Curry matapos siyang matapik habang nagtatangkang pumasok sa loob ng paint. Pareho namang naipasok ng NBA superstar ang dalawa, daan upang ibulsa ng Warriors ang 1-point lead, 109-108.

Sa nalalabing anim na segundo, tinangka ni Spurs guard DeAron Fox na magpasok ng isang midrange ngunit sa higpit ng depensa sa kaniya, hindi ito pumasok, hanggang sa tuluyang matapos ang laban sa 109-108.

Nagbulsa si Curry ng 49 points sa panalo ng Warriors, kasama ang siyam na 3-pointers habang 21 points at walong rebounds naman ang ambag ng forward na si Jimmy Butler.

Nanguna sa Spurs ang bigman na si Victor Wembanyama: 26 points, 12 rebounds, 4 assist.