Inihayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na inaasahan na ilalabas na ngayong linggo ang arrest warrant laban kay Sarah Discaya.
Sinabi ito ng Pangulo sa pamamagitan ng isang video na sa uploaded sa social media accounts.
Ayon sa Pangulo, “Inaasahan na din nating lalabas ang warrant of arrest ni Sarah Discaya itong linggong ito at hindi na rin magtatagal ang pag-aresto sa kanya.”
Samantala, ang kanyang asawa na si Pacifico “Curlee’ Discaya ay nananatili sa Senate detention matapos na i-cite siya for contempt dahil sa pagsisinungaling at nagbibigay ng hindi magkakaibang pahayag sa hearing sa flood control scandal.
Nitong araw ng Biyernes, sinabi ni Marcos na ipinag-utos niya sa Department of the Interior and Local Government at Philippine National Police (PNP) na bantayan ang kinaroroonan ni Discaya at iba pa na nahaharap sa malversation at graft charges sa Office of the Ombudsman.











