Nanindigan si Vice President Sara Duterte na ang mga panibagong kaso ng plunder at iba laban sa kaniya at sa kaniyang opisina na isinampa sa kaniya sa Office of the Ombudsman ay isa lamang na ‘fishing expedition’ upang pagtakpan ang mga kasalukuyang imbestigasyon.
Sa isang pahayag, inihayag ni VP Sara na ito ay kanilang inilulunsad sa ngayon para gamitin ang anumang paratang na maaari nilang magamit para pagtakpan ang kasalukuyang usapin ng korapsyon sa bansa.
Matapos nito ay hinikayat din ng Bise Presidente ang publiko na maging mapanuri at huwag din aniyang agad magpadala sa mga paninira na ibinabato sa kaniya.
Dagdag pa ni VP Sara, hindi na aniya ito hinggil sa paghahanap ng katotohanan at tungkol na lamang sa pagtatakip sa naging malawakang pagnanakaw sa kaban ng bayan kung saan binigyang diin din ng Bise na hanggang ngayon ay wala pa ring nananagot sa batas hinggil sa mga anomalyang ito.
Samantala, matatandaan naman na naisampa ang kasong plunder at graft complaints laban sa pangalawang pangulo at sa 15 iba pa bunsod pa rin sa umano’y misuse ng pondo na P612.5 milyong halaga ng confidential funds.











