Pinarangalan ni Vice President Sara Duterte ang overseas Filipino workers (OFWs) sa pagdiriwang ng OFW Month, kinilala niya ang malaking ambag ng mga ito sa kanilang pamilya at sa bansa.
Ayon sa Bise Presidente, hindi madali ang sakripisyong dinaranas ng mga OFW, mula sa pagiging malayo sa pamilya hanggang sa pag-adjust ng mga ito sa ibang kultura ngunit patuloy aniya silang nagpapakita ng katatagan at dangal.
‘Hindi madali ang inyong pinagdadaanan, malayo sa pamilya, magkaibang kultura, at pangungulila ngunit patuloy kayong nagsisikap, at nagpapakita ng katatagan at karangalan,’ ani VP Sara.
Binigyang-diin niya na ang OFWs ang “heartbeat” ng global Filipino pride at patunay dito ang mga talento at mga values ng Pilipino sa buong mundo.
‘You are the heartbeat of the global Filipino pride, showcasing Filipino talent and values worldwide,’ dagdag ng Bise.











