-- ADVERTISEMENT --

Nagbigay ng maikling pahayag si VP Sara Duterte kaugnay ng mga usapin hinggil sa kalagayan ng kalusugan ni Pres. Ferdinand Marcos Jr.

Nauna nang nilinaw ng Pangulo ang kanyang kondisyon matapos siyang matanong ni Palace Press Officer Usec. Claire Castro, kasunod ng kanyang diagnosis na diverticulitis.

Ayon kay Pres. Marcos, wala umanong dapat ikabahala sa kanyang kalusugan at tiniyak niyang patuloy niya itong binabantayan upang manatiling handa sa pagtupad ng kanyang mga tungkulin.