-- ADVERTISEMENT --

Ipinagdasal ni Vice President Sara Duterte ang interim release o total freedom ng kanyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte, na kasalukuyang nakakulong sa The Hague, Netherlands.

Sa isang panayam nitong Lunes, Oktubre 20, sinabi ni VP Sara na ipinagdasal daw niya ito nang magtungo siya sa Basilica Minore of Our Lady of Manaoag sa Pangasinan.

Matatandaang hindi pinagbigyan ng International Criminal Court ang interim release ng dating Pangulo.

“Dalawa lang po ‘yong dasal ko. Personal po para sa akin, wala. Humiling lang po ako ng magandang kalusugan para kay dating Pangulong Rodrigo Duterte para malampasan niya ‘yong kaso doon sa detention unit sa ICC,” ani VP Sara.

Dagdag pa niya, “At dinasal ko rin po na sana siya ay mabigyan ng interim release o kung hindi man, total freedom mula sa kaso. At ‘yong dasal ko po para sa bayan is peaceful and prosperous Philippines, and peace and comfort for every Filipino.”

-- ADVERTISEMENT --