-- ADVERTISEMENT --
Nagpahayag ng suporta si Vice President Sara Duterte sa kautusan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr, na sumailalim sa lifestyle checks ang lahat ng mga opisyal ng gobyerno.
Sinabi ni Duterte na dapat ay isagawa ang lifestyle checks hindi lamang sa mga halal na opisyal at maging dapat sa mga appointed officials.
Mahalaga na siliping mabuti ng gobyerno ang mga nakalagay sa Statement of Assets and Liabilities Network ng isang opisyal kung saan dapat ay ilabas ang mga dummy ng mga public officials.
Magugunitang bilang bahagi ng imbestigasyon sa anomalya sa flood control projects ay ipinag-utos ni Pres. Marcos ang lifestyle checks sa lahat ng mga opisyal