-- ADVERTISEMENT --
Nagpakita sa publiko si Vice President Sara Duterte nitong araw ng Huwebes.
Ito ay para pasinungalingan ang pahayag ni Communications Undersecretary Claire Castro na nagtungo ito sa Kuwait ng walang anumang travel authority.
Tinawag nito na isang “political scapegoating” ang pahayag ni Castro na lumabag umano siya sa panuntunan sa travel authority.
Giit nito na isang paglilihis ng Office of the President sa mga tunay na usapin ukol sa lagay ng bansa kaya dinadamay umano siya sa kinaroroonan niya.
Inakusahan pa nito si Castro na nagpapakalat ng fake news at misinformation.
-- ADVERTISEMENT --