Kinikilala ng kampo ni Vice President Sara Duterte ang naging desisyon ng Senado na tumalima sa kautusan ng Korte Suprema at isantabai na lamang ang Articles of Impeachment.
Sinabi ni Atty. Michael Poa, ang tagapagsalita ng pangalawang pangulo na nakatuon na ngayon ang kanilan atensiyon sa pagsumite ng komento sa inihaing motion for reconsideration na inihain ng House of Representatives.
Magugunitang sa ginawang botohan sa Senado ay mayroong 19 na mga Senador ang bumuto na dapat ay isantabi na muna ang impeachment habang mayroong apat ang kumontra at isa ang nag-abstain.
Una ng naglabas ng kautusan ang Korte Suprema noong Hulyo 25, 2025 na kanilang ibinabasura ang impeachment complaint laban kay Duterte dahil sa ipinagbabawal ang pagsasampa nito ng mahigit sa isa sa loob ng isang taon.