-- ADVERTISEMENT --

Itinanggi ni Vice President Sara Duterte na naging alegasyon ng Malakanyang na palpak ang panunungkulan nito bilang kalihim ng Department of Education.

Ayon pa sa Bise President na sa katunayan aniya ay hindi siya pinapaalis ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr matapos na magsumite siya ng kaniyang resignation sa puwesto bilang kalihim noong 2024.

Hiniling pa umano ni Marcos kung gusto niya ng ibang cabinet position subalit kaniya itong tinanggihan.

Wala aniya siyang alam kung saan nangngaling ang pahayag ng bigo ang kaniyang pagiging kalihim ng DepEd at sinabing isang paninira lamang ito sa kaniya.

Una ng sinabi ni Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro na isang kabiguan ang pagiging DepEd Secretary ni Duterte dahil sa nahuhuli ang bansa sa lagay ng edukasyon kumpara sa ibang mga bansa.

-- ADVERTISEMENT --