-- ADVERTISEMENT --

Nagpahayag ng kahandaan si Vice President Sara Duterte na maupong pangulo sakaling bumaba sa puwesto si Pangulong Ferdinand Marcos Jr dahil sa mga walang humpay na kurapsyon na nagaganap sa bansa.

Dagdag pa nito na hindi na dapat kuwestiyunin ang kaniyang kahandaan dahil naipresenta niya ang sarili noong tumakbo siya bilang Bise Presidente ng bansa kung saan sa batas ay siya ang nakahanay na papalit sa pangulo.

Sinabi pa ng Bise Presidente na mayroon itong sinumpaan na marapat na idepensa at ipreserba ito sa anumang paraan.

Handa ring samahan ni Duterte si Pangulong Marcos na sumailalim sa drug test para mabura ang mga bintang sa kaniya na ito ay gumagamit ng iligal na droga.

Una ng sinabi ni Palace Communications Undersecretary Claire Castro , na pawang mga supporters ni Duterte ang malakas na nagpapanawagan na magbitiw sa puwesto si Pangulong Marcos para maka-upo sila sa puwesto.

-- ADVERTISEMENT --