Binatikos ni Vice President Sara Duterte ang Malacañang dahil sa pagsasagawa ng party sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Tino.
Ang nasabing pagtitipon ay dinaluhan ni First Lady Liza Araneta-Marcos.
Una ng ipinagtanggol ni Presidential Communications Office Undersecretary Claire Castro ang Unang Ginang na ito ay isang official event at hindi lamang pagsusuot ng mga costumes gaya ng Snow Whtie party na tumalakay kay costume ni Duterte noong dumalo ito ng halooween.
Giit naman pa ng Bise Presidente na pagpuna sa kaniya ay hindi sumasagot sa pagkakaroon ng kasiyahan habang marami ang naghihikahos dahil sa pananalasa ng bagyong Tino.
Hindi rin dapat ibalin ng Palasyo ang atensiyon sa ibang isyu para pagtakpan ang kanilang kamalian.
Magugunitang dumalo ang Unang Ginang sa book launch ng “Philippine First Ladies’ Portraits” at ang Goldenberg Concert Series musical event na ginanap sa Malacañang noong Nobyembre 6 at 7.











