-- ADVERTISEMENT --

Nananatiling maingat ang kampo ni Vice President Sara Duterte sa kabila ng ulat na maraming senador ang posibleng susuporta sa kanya kung mag-convene ang Senado bilang impeachment court.

Ayon kay defense spokesperson Atty. Michael Poa sa panayam ng Bombo Radyo, hindi pa ito kampante sa bilang ng mga senador na maaaring pumanig sa bise presidente dahil aniya, usaping pulitika ito.

Binanggit ni Poa na mabilis ang pagbabago sa pulitika kaya’t hindi akmang magbilang ng mga senator-judges na maituturing na kaalyado.

Sa ngayon, nakatuon ang legal team sa pagpapatatag ng ebidensiya at paghahanda ng mga testigo para sa posibleng paglilitis.

Iginiit ni Poa na boboto ang mga senator-judge batay sa ebidensiya at testimonya, hindi sa pulitikal na ugnayan.

-- ADVERTISEMENT --

Naniniwala ang kampo ni VP Sara na magiging patas ang proseso sa oras na magsimula ang trial.