-- ADVERTISEMENT --

Inirelieve ang pulis na naging viral matapos humarang sa daanan ng fire truck sa Marikina City, kahit na nakipagkasundo na siya sa may-ari ng emergency volunteer vehicle, ayon sa Marikina City Police.

Sa isang pahayag sa internet platform page ng pulisya noong Enero 23, sinabi na ang pulis ay ire-reassign at sasailalim sa imbestigasyon.

Ayon kay Police Colonel Jenny DC Tecson, officer-in-charge ng Marikina City Police, inatasan na ang naturang pulis sa video na magsumite ng written explanation para malaman kung may sapat na batayan para sa posibleng pre-charge, kahit na naayos na ng magkabilang panig ang isyu sa pamamagitan ng amicable settlement.

Naging viral ang insidente matapos na humarang ang pulis sa dadaang fire truck, na nagdulot ng “brief tension” dahil sa “momentary misunderstanding” sa kalsada.

Naiulat rin ang “near-miss incident” sa isang tricycle dahil sa biglaang paghinto ng truck.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon sa pahayag, agad namang naayos ang sitwasyon nang personal na humingi ng paumanhin ang may-ari ng truck. Parehong nagkasundo ang magkabilang panig na tapusin ang isyu at nakiusap na alisin ang mga post na may kaugnayan sa viral video.

Inabisuhan rin ng Land Transportation Office (LTO) ang pulis at may-ari ng truck na humarap sa LTO sa Enero 29 para ipaliwanag kung bakit hindi dapat silang kasuhan sa obstruction at suspension ng lisensya.

Sa ngayon pansamantalang sinuspinde ng 90 araw ang lisensya ng pulis. Binibigyang-diin ng LTO ang kahalagahan na hindi dapat hadlangan ang mga emergency vehicles sa kanilang tungkulin.