-- ADVERTISEMENT --
Handang makipag-usap si Venezuelan President Nicolás Maduro sa sinumang kinatawan ni US President Donald Trump.
Ang nasabing pahayag ay matapos na ianunsiyo ni Trump na hindi ito nagbabago ng desisyon na mag-deploy ng mga sundalo sa Venezuela.
Inaakusahan kasi ng US si Maduro na siyang lider ng drug cartel.
Itinanggi naman nito ni Maduro at kaya inaakusahan siya ng US ay dahil nais lamang nila na makontrol ang oil reserves ng Venezuela.
Mula ng maupo sa ikalawang termino si Trump ay naging matindi na ang pressure ng US kay Maduro.
-- ADVERTISEMENT --
Naglaan din ang US ng $50 milyon na reward para sa ikadadakip ni Maduro.
Nagsagawa rin ng ilang military operatioins ang US sa mga bangka na nagdadala umano ng iligal na droga sa mula Venezuela patungong US.











