-- ADVERTISEMENT --

Pumalo na sa P17 trillion ang kabuuang tuang ng bansa.

Ayon sa Bureau of Treasury (BTr na ang nasabing bilang ay naitala noong Hunyo kung saan ito ay dahil sa mataas na local borrowing para mapunan ang tinatawag ng fiscal shortfall.

Mayroong naitalang 2.1 percent na kada buwan na pagtaas ang utang ng bansa hanggang umabaot sa P17.27-T na bagong record high.

Dagdag pa ng BTr na sa simula ng taon ang utan ay tumaas ng 7.6 percent o P1.2 trillion.

Base sa datos ng ahensiya na ang domestic borrowing ay tumaas ng 1.4 percent o katumbas ng P11.95 trillion.

-- ADVERTISEMENT --

Habang ang external debt ay tumaas ng 3.5 percent o katumbas ng P5.32 trillion.

Pinawi naman ng BTr na kahit na tumaas ang utang ay nananatiling sustainable pa rin ang gobyerno.