-- ADVERTISEMENT --
Inaasahang bababa ang kabuuang utang ng Pilipinas na umabot sa P17.56 Trillion noong katapusan ng Hulyo ng kasalukuyang, ayon sa Bureau of the Treasury (BTr).
Ayon sa ahensya, P814.2 billion na halaga ng domestic bonds ang babayaran ng pamahalaan bago matapos ang taon, habang bumabagal na ang mga fundraising activities.
Ipinunto rin ng BTr na 76% ng utang mula Enero hanggang Hulyo ay mula sa loob ng bansa, upang iwasan ang panganib ng foreign exchange at palalimin ang lokal na merkado.
Dahil dito, tumaas ang bahagi ng domestic debt sa kabuuang utang mula 68.1% noong 2024 patungo sa 68.9% nitong Hulyo