-- ADVERTISEMENT --

Pinabulaanan ni Undersecretary at Palace Press Officer Atty. Claire Castro ang balita-balitang siya ang papalit bilang bagong kalihim ng Department of Justice .

Kasunod ito ng pagkakatalaga ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla bilang bagong Ombudsman.

Sa isang pahayag, sinabi ni Castro na wala siyang ideya kung saan nagmula ang kumakalat na impormasyon .

Giit ni Castro na walang basehan ang naturang balita habang tumanggi naman itong sagutin ang katanungan kung sakaling iaalok ni PBBM sa kanya ang binakanteng posisyon ni Remulla ay kukunin niya ito.

Paliwanag pa nito na kung sasagutin niya ang tanong ay lalabas na magiging palagay lamang ang kanyang sagot.

-- ADVERTISEMENT --

Matapos ang pagkakatalaga ni PBBM kay Remulla bilang Ombudsman, pumalit naman bilang acting secretary ng DOJ si Justice Undersecretary Frederick Vida.