-- ADVERTISEMENT --

Ipinagmalaki ni US Vice-President JD Vance na nagiging maganda na ang kinahinatnan ng ceasefire deal sa pagitan ng Hamas at Israel.

Nasa Israel kasi ang US Vice President para tignan ang lagay ng ceasefire deal na ipinatupad.

Binalaan din nito ang Hamas na kung hindi sila makikipagtulungan ay may hindi maganda silang kahinatnan.

Inaasahan din na hihikayatin ni Vance si Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na isulong ang pangmatagalang ceasefire sa Gaza.

Magugunitang tumugon ang Hamas at Israel sa ceasefire deal na isinulong ng US para tuluyang magkaroon ng katahimikan ang Gaza.

-- ADVERTISEMENT --