-- ADVERTISEMENT --

Pinag-iisipan ni US President Donald Trump na manood sa NBA Finals na nakatakdang magsimula sa susunod na linggo.

Ayon kay Trump, dati niyang pinagpaplanuhan na manood sa Game 5 sa pagitan ng Cleveland Cavaliers at New York Knicks sa Eastern Conference finals matapos siyang imbitahan ng Knicks owner na si James Dolan.

Gayunpaman, hindi aniya ito natuloy dahil agad tinapos ng New York ang matchup sa apat na laban.

Sa kasalukuyan, pinag-iisipan umano niyang manood sa isang game ngunit hindi pa nakakapagdesisyon kung ito ay sa nagpapatuloy na Western Conference finals o sa 2026 Finals.

Si Trump ay matagal nang residente sa New York at may interest sa New York Knicks franchise.

-- ADVERTISEMENT --

Ang naturang koponan ay una nang nakapasok sa 2026 Finals habang kasalukuyan namang ginaganap ang Western finals sa pagitan ng Oklahoma City Thunder at San Antonio Spurs.

Sa kabilang banda, nakatakda sa June 3 ang unang game sa nalalapit na Finals. Susundan ito ng June 5, June 8, at June 10.