-- ADVERTISEMENT --

Ikinokonsidera ngayon ng US na magsuplay ng long-range Tomahawk missiles sa Ukraine.

Sinabi ni US Vice President JD Vance, na ito ang nakikita nilang paraan para tuluyang matapos ang pag-atake ng Russia.

Subalit paglilinaw nito na ang pinal na desisyon ay ipapaubaya na lamang kay US President Donald Trump.

Magugunitang makailang ulit ng nanawagan ang Ukraine sa mga kaalyadong bansa nito ng mga armas dahil sa patuloy na pag-atake ng Russia.

Magugunitang nagkausap sina Trump at Ukraine President Volodymyr Zelensky matapos ang pagdalo nila sa United Nations General Assembly (UNGA) kung saan nagpahayag ng suporta ang US President sa Ukraine.

-- ADVERTISEMENT --