-- ADVERTISEMENT --

Kinumpiska ng US European Command ang dalawang oil tanker na konektado sa Venezuela.

Ayon kay Homeland Security Secretary Kristi Noem na ang isang oil tanker ay isang Russian-flagged oil tanker na konektado sa Venezuela.

Dagdag pa nito na pinangunahan ng US Coast Guard ang pagkumpiska na ang isa ay sa North Atlantic habang ang isa ay sa international waters malapit sa Caribbean.

Ang dalawang barko ay Motor Tanker Bella I at Motor Tanker Sophia na huling nakadaong sa Venezuela.
Kasama ng US Coast Guard ang Defense, Justice at State Department.

-- ADVERTISEMENT --