-- ADVERTISEMENT --

Patay ang anim na sundalo ng US sa airstrike ng Iran sa military facility ng Kuwait.

Una ng sinabi ng US Central Command na mayroong tatlong katao ang nasawi subalit ito ay nadoble matapos na masawi ang isang sundalo sa pagamutan at nakakita pa sila ng dalawang bangkay ng sundalo na natabunan sa gumuhong gusali.

Kinumpirma rin ni US Secretary of Defence Pete Hegseth na tinamaan ng Iran airstrike ang US bunker sa Kuwait.

Ito lamang ang insidente na kinumpirma ng US na mayroong nasawing mga sundalo nila mula ng ilunsad nila ang pag-atake sa Iran nitong araw ng Sabado.