-- ADVERTISEMENT --

Inakusahan ng US ang Russia ng “mapanganib at hindi maipaliwanag na pag-eskalada” sa giyera sa Ukraine, kasunod ng paglulunsad ng nuclear-capable Oreshnik missile malapit sa border ng Poland.

Tinawag ni Deputy UN Ambassador Tammy Bruce ang aksyon ng Russia bilang banta sa kapayapaan, habang iginiit ng US at Europe na dapat huminto ang pag-atake at suportahan ang negosasyon.

Sa kabilang banda, sinabi ni Russia UN Ambassador Vassily Nebenzia na ipagpapatuloy nila ang militar na aksyon hangga’t hindi pumapayag si President Zelenskyy sa kanilang kondisyon, habang iginiit ng Ukraine na mas mahina ngayon ang Russia kaysa dati.