-- ADVERTISEMENT --

Umaasa ang gobyerno ng Amerika na humupa na ang agresibong mga aksiyon sa West Philippine Sea.

Ito ay kasunod ng naging banggaan sa pagitan ng dalawang barko mismo ng China habang tinatangkang harangin ang barko ng Pilipinas malapit sa Scarborough Shoal noong Lunes, Agosto 11.

Sa isang panayam, nagpahayag ng pagkahabag ang Amerika sa pamamagitan ni US Ambassador to the Philippines MaryKay Carlson sa collision incident at umaasang magsilbing “watershed event” ito na maaaring humantong sa paghupa ng mga agresibong aksiyon sa WPS.

Nilinaw din ng US envoy ang pagdedeploy ng dalawang barkong pandigma ng US Navy na USS Higgins at USS Cincinnati malapit sa Panatag Shoal (Scarborough Shoal) isang araw matapos ang banggaan ng mga barko ng China sa lugar.

Ipinagtanggol ni Amb. Clarkson ang naging hakbang ng US Navy bilang parte ng kanilang freedom of navigation operations (FONOPs) sa rehiyon.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon sa US envoy, committed ang US military sa kabuuan sa pag-operate sa himpapawid, karagatan o saan man na pinapahintulutan ng international law.

Pinuri din ng US envoy ang propesyunalismo ng PCG matapos na mag-alok ng tulong sa napinsalang barko ng China kasunod ng banggaan subalit nagpahayag din ng pagkadismaya ang US envoy sa patuloy na pagsasagawa ng panig ng China ng illegal, coercive, aggressive at offensive activities.