Tinamaan ng drone strikes ng Iran ang Embahada ng Amerika sa Saudi Arabia, base sa dalawang source na pamilyar sa naturang insidente.
Sa ngayon, walang inisyal na napaulat na nasugatan sa pag-atake ng Iran.
Ang drone strikes sa US Embassy sa kabisera ng Saudi na Riyadh ay kabilang sa mga US military at diplomatic installations na tinarget ng Iran bilang ganti sa inilunsad na “Operation Roaring Lion” ng Amerika at Israel, na ikinasawi ng kanilang Supreme Leader na si Ayatollah Ali Khamenei.
Kaugnay nito, ayon sa US Mission to Saudi Arabia, nag-isyu na sila ng “shelter in place notification” para sa Jeddah, Riyadh at Dhahran. Nilimitahan na rin ang non-essential travel sa alinmang military installations sa rehiyon.
Pinayuhan din ang mga mamamayan ng Amerika na nasa Kingdom of Saudi Arabia na agad lumikas sa ligtas na shelter.
Matatandaan, nauna na ring napaulat na tinamaan din ng drone strike ang Embahada ng US sa Kuwait noong Linggo at Lunes.











