-- ADVERTISEMENT --

Naghahanda ang US at Ukraine ng binagong plano upang wakasan ang digmaan sa Ukraine matapos tanggihan ng Kyiv ang orihinal na US proposal na itinuturing nitong pabor sa Kremlin. Binuo ang “refined peace framework” sa Geneva, ngunit wala pang detalye kung paano haharapin ang mahihirap na isyu tulad ng seguridad at teritoryo.

Patuloy ang negosasyon, ayon kay President Zelenskiy, upang makahanap ng kompromiso na magpapatibay sa Ukraine.

Magugunitang mayroong ceasefire deal na isinusulong ang US para wakasan ang giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Samantala, tumama ang drone attack sa Kharkiv, habang nilabanan ng Russia ang mga Ukrainian drone patungong Moscow. European leaders ay nanawagan ng makatarungan at pangmatagalang kapayapaan.