Sisimulan na sa Lunes, ang pagtalakay sa Article II o ang unexplained wealth ngayong tapos na ang prosecution sa presentasyon ng mga ebidensiya sa maling paggamit sa confidential funds.
Ayon kay Prosecution legal spokesperson Atty Benjamin Tolosa, susuriin dito ang mga bank account ni Duterte, records ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at Anti-Money Laundering Council (AMLC).
Sinabi ni Tolosa, nais din ng prosecution na mapabilis ang paglilitis sa pamamagitan ng paghiling sa depensa na aminin ang authenticity ng mga dokumento sa bangko.
napag desisyunan ng prosecution na hindi na ihaharap ang kanilang mga testigo sa confidential funds dahil sapat na ang mga ebidensiya na kanilang nakuha batay sa mga pahayag ng mga naunang testigo.
Kanina inihayag ni private prosecutor atty lorna kapunan na hindi na nila ipi prisinta pa ang kanilang mga testigo dahilan na naging maaga ang pag adjourn ng korte.
Ayon kay Tolosa, napatunayan na sa testimonya ng mga bank manager, Special Disbursing Officers, COA auditors at PSA officials ang mga isyung kinakaharap ng OVP at DepEd, kabilang ang cash withdrawals, umano’y paglabag sa accounting rules, kakulangan ng resibo at mga pangalan sa acknowledgment receipts na walang katugmang PSA records.
Dahil dito, sinabi ni Tolosa na hindi na nila kailangang magharap ng karagdagang mga testigo dahil magiging paulit-ulit lamang ang mga ito.
Sa kabilang dako, sinabi ni Tolosa na nakamit na nito ang mga evidenciary target para patunayan ang alegasyon ng maling paggamit ng confidential funds laban kay Vice President Sara Duterte.
Gayunman, nilinaw niyang ang pagpapasya kung sapat ang mga ebidensiya para sa conviction ay nasa mga senator-judges na.
Sinabi ni Tolosa na ayaw na ng prosecution na magharap ng karagdagang ebidensiyang mauulit lamang ang mga nauna nang nailatag.
Mananatiling bukas naman ang Article I upang mabigyan ng pagkakataon ang mga senator- judges na magpatawag ng karagdagang saksi kung kinakailangan.











