Itinuturing ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na generally peaceful ang unang araw ng rally na inorganisa ng Iglesia Ni Cristo (INC).
Sinabi ni Interior Secretary Jonvic Remulla na napaghandaan ng gobyerno ang nasabing tatlong araw na rally kasama ng anumang destabilizers.
Kasama ng Kalihim na bumisita sa ilang mga lugar kung saan ang pagtitipon sina Philippine National Police (PNP) chief Lieutenant General Jose Melencio Nartatez Jr. at National Capital Region Police Office (NCRPO) director Major General Anthony Aberin.
Nagdagdag pa nito na tinupad ng mga tagapamahala ng INC noong sila ay nagpulong na magiging mapayapa ang kilos protesta.
Natitiyak din ng kalihim na hindi magbabago ang ipapatupad nilang seguridad sa ikalawa hanggang huling araw ng rally na isasagawa ng INC.
Magugunitang aabot sa 650,000 mga katao ang dumalo sa unang araw ng rally sa Quirino GrandStand.











