-- ADVERTISEMENT --

Ikinabahala ng United Nations (UN) ang plano ng Israel na baligtarin ang desisyon para mas makontrol nila ang West Bank.

Ayon kay UN Secretary-General Antonio Guterres na nakakabahala ang hakbang na ito ng gabinete ng Israel.

Sa nasabing desisyon kasi ay siyang sisira sa tinatawag na two-state solution.

Giit nito na lahat ng mga settlements ng Israel sa West Bank kabilang ang East Jerusalem ganun din mga rehimen nila at imprastraktura ay walang legal na validity at malinaw ito na paglabag sa international law.

Magugunitang nais ng Israel na angkinin na nila ang West Bank kung saan ito ay kinokontra ng Palestine.

-- ADVERTISEMENT --