-- ADVERTISEMENT --
Ipinaliwanag ni British boxer Tyson Fury ang dahilan ng muli niyang pagbabalik matapos ang pagreretiro.
Sinabi nito na hindi dahil sa pera kaya ito bumalik sa boxing at sa halip ay dahil sa napamahal na siya sa nasabing sports.
Dagdag pa ng 37-anyos na British boxer na walang katotohanan ang alegasyon na nais lamang niyang kumita ng pera.
Giit nito na nagretiro na sana ito noong 10 taon ang nakakalipas dahil sa sapat na ang kaniyang kinita, subalit lubhang malapit talaga sa puso niya ang boxing kaya ito ay nagbabalik.
Si Fury ay mayroong 34 panalo at dalawang talo kung saan ito na ang pang-limang beses na nagretiro subalit bumalik muli sa boxing.
-- ADVERTISEMENT --











