-- ADVERTISEMENT --
Pinaghahanda ni US President Donald Trump ang kaniyang military laban sa mga Islamist militant groups sa Nigeria.
Inakusahan din ng US President ang gobyerno ng Nigeria na bigong protektahan ang mga Kristiyano doon.
Hindi naman na binanggit nito ang naturang insidente at sinabi na ang genocide laban sa mga Kristiyano sa Nigeri ang laganap noon pang mga nakaraang buwan.
Nagpahayag naman ng kahandaan ang gobyerno ng Nigeria kung saan makikipagtulungan sila para tuluyang masugpo ang nasabing mga jihadist group.
Paglilinaw nila na walang partikular na relihiyon na target ang Jihadist group at sa halip ay alin mang grupo.
-- ADVERTISEMENT --











