-- ADVERTISEMENT --

Inanunsiyo ni US President Donald Trump ang pagpataw niya ng 15 percent na taripa sa mga produkto ng South Korea.

Tinawag nito na buo at kumpletong trade deal matapos ang itinakdang deadline ng Agosto 1.

Kung hindi nakipagkasundo ang South Korea ay magigigng 25 percent ang taripa para sa kanila.

Sa nasabing kasunduan ay hinikayat nito ang pag-invest ng South Korea ng $350 bilyon sa US kung saan maituturing na tagumpay ito sa South Korea lalo na at nabigyan ng record trade surplus sila ng nasa $56 bilyon sa US noong nakaraang taon.