Nanindigan si US President Donald Trump na magpapakalat ito ng mga Naitonal Guard sa Chicago para labanan ang mga krimen.
Gaya ng ginawa niya sa Washington DC at Los Angeles ay plano nitong ipakalat ang mga National Guards sa Chicago.
Sinabi ni Illinois lieutenant governor Juliana Statton na hindi ginagawang ligtas ni Trump ang mga residente at sa halip ay nais magdudulot lamang ito ng krisis.
Kapag magkaroon na aniya ng krisis ay doon gagawa umano ng eksena si Trump na siyang magliligtas sa Chicago.
Habang sinabi naman ni Democratic Rep. Chuy Garcia na hindi law and order ang ginagawa ni Trump sa halip ay gumagamit ng puwersa para manakot at kontrolin ang mga kumonkontra sa kaniya.
Handa naman si Illinois Attorney General Kwame Raoul na magsampa ng kaso laban kay Trump sakaling ituloy ang nasabing paglalagay ng mga National Guard sa Chicago.