-- ADVERTISEMENT --

Binantaan ni US President Donald Trump ang Iran na mayroong mas matinding pag-atake sakaling magmatigas ang mga ito na hindi tanggapin ang kanilang peace deal.

Ipinagamalaki rin ni Trump na naging matindi ang kanilang mga naunang pag-atake kung saan maraming mga lider ng Iran ang nasawi na.

Una rito ay nagkaroon na ng pag-uusap ang mga kinatawan ng US at Iran kung saan inilatag nila ang mga kondisyon para tuluyang matapos ang ang giyera.

Subalit may ilang bahagi ng kasunduan ang hindi sinang-ayunan ng Iran kung saan masyado itong agresibo at hindi pabor sa kanila.

Nagmatigas naman si Trump na marapat na tanggapin na ng Iran ang kasunduan para hindi na sila magkaroon pa ng matinding problema pa.

-- ADVERTISEMENT --