-- ADVERTISEMENT --

Binantaan ni US President Donald Trump ang mga manggagawa ng gobyerno na sumusuporta sa mga Democrats habang nakakaranas ng government shutdown.

Sinabi ng US President na ang mga Democrats Senators ang siyang nasa likod ng shut down kaya mahalaga na magsagawa ng malawakang pagtanggal ng mga tao.

Ipinagtanggol ni White House press secretary Karoline Leavitt ang pahayag ni Trump kung saan mayroon itong kapangyarihan para magbawas ng mga federal workforce kung saan makakatipid ang gobyerno.

Hindi nagkasundo kasi ang mga Democrats at Republicans sa spending bill kung saan hinarang ng Democrats ang isinusulong ni Trump na Affordable Care Act kung saan kapag naipasa ito ay agad na mawawalan ang 20 milyong mga katao ng kanilang healthcare.

Sa tuwing nagkakaroon ng government shutdown ay pansamantalang itinitigil ng federal agencies ang lahat ng mga non-essential services.

-- ADVERTISEMENT --

Nasa 25 percent ng federal workforce ang apektado ng shutdown dahil sa hindi sila mababayaran.

Habang ang mga essential workers gaya ng police, ambulance workers at air traffic controllers ay magpapatuloy ang trabaho subalit hindi sila masasahuran.

Makakatanggap lamang silang ng back pay kung nagkasundo na ang dalawang paritdo sa kongreso.