-- ADVERTISEMENT --

Umaasa si Gilas Pilipinas coach Tim Cone na maisapinal na ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) ang naturalization ni Bennie Boatwright.

Ayon kay Cone na maisama si Boatwright na makapaglaro para sa fifth windwo ng FIBA World Cup Asian qualifiers na gaganapin sa Malaysia.

Dagdag pa ni Cone na nasa proseso na ang SBP sa aplikasyon ni Boatwright para sa kaniyang Philippine passport.

Mayroong mahigit isang buwan ang SBP na ayusin ang papel ni Boatwright bago ang fifth window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers na magsisimula mula Nobyembre 27 hanggang 29 sa Seremban, Malaysia.

Ang 6-foot-11 naturalized player ay kasalukuyang naglalaro sa Fujian Sturgeons sa Chinese Basketball Association.

-- ADVERTISEMENT --