-- ADVERTISEMENT --

Sumiklab ang tensyon sa pagitan ng mga otoridad at mga protesters sa St. Paul, Minnesota.

Nagsagawa kasi ng prostesta ang mga residente doon matapos na barilin at mapatay ng mga Immigration and Customs Enforcement (ICE) ang isang babae.

Napilitan ang mga otoridad na gumamit ng pepper balls sa mga tao.

Tinangka kasi ng mga protesters na makalapit sa ishop Henry Whipple Federal Building subalit ito ay bantay sarado ng mga otoridad.

Bilang pag-iingat ay kinansela ng mga otoridad sa Minnesota ang pasok sa paaralan.

-- ADVERTISEMENT --

Magugunitang nabaril at napatay ng mga ICE agents ang biktimang si Renee Nicole Good, 37-anyos at isang US ng hindi umano tumigil sa checkpoint.

Ipinagtanggol naman ng White House ang pamamaril kung saan sinabi nila na ipinagtanggol lamang ng ICE agent ang sarili dahil sa tinangka itong sagasaan ng biktima.