-- ADVERTISEMENT --

Inanunsiyo ni international pop superstar Taylor Swift na maglalabas ito ng concert film at documentary series.

Sa kaniyang social media account ay isinagawa ang anunsiyo patungkol sa final leg ng kaniyang “Eras” Tour sa buwan ng Disyembre.

Sinabi nito na nais alalahanin ng kaniyang fans ang mga masasayang kaganapan sa nasabing konsiyerto.

Magugunitang inilabas ng singer ang bagong album na “The Life of a Showgirl” noong Oktubre 3.

Ang “Eras Tour” ay itinuturing na may pinakamataas na kinitang konsiyerto sa kasaysayan na umabot sa mahigit $2 bilyon ang ticket sales.

-- ADVERTISEMENT --