Bumuwelta si Taguig City mayor Lino Cayetano sa naging pahayag ng kaniyang kapatid na si Sen. Alan Peter Cayetano ukol sa umano’y “repentance” mula sa iba’t ibang masamang gawi.
Kung babalikan ang naunang pahayag ni Sen. Allan, sinabi niyang hindi siya nagtuturo ngunit lahat ay guilty sa vote-buying, cheating, pagnanakaw, at pagsisinungaling.
Ang mahalaga lamang umano, ayon sa senador, ay ang repentance o pagsisisi.
Pero ayon sa kapatid nitong alkalde, hindi siya sumasang-ayon sa tinuran ng senador.
Aniya, hindi likas na magnanakas, bumibili ng boto, at sinungaling ang bawat isa.
Hindi rin aniya solusyon ang absolusyon ang pagsisisi lamang, lalo na sa mga opisyal ng gobiyerno.
Giit ni Mayor Lino, kailangan ng mga ‘old guard’ na mag-resign na, habang kailangan din ng bagong set ng mga lider para sa bansa.
Para aniya sa mga lider na magsisisi, kailangan ng bansa ng confession at reporma mula sa kanila, at hindi lamang dapat makuntento sa repentance.
Nanindigan si Mayor Lino na hindi dapat nano-normalize ang corruption.