-- ADVERTISEMENT --

Inanunsiyo ito ng Philippine Olympic Committee ang pagpili kay Yape sa closing ceremony na gaganapin ng ala-5 ng hapon ng Oktubre 4.

Sinabi ni POC President Abraham Tolentino na deserving ang 22-anyos na taekwondo jin para maging flag bearer.

Isa rin itong aniyang pagkilala hindi lamang para kay Jeus kung hindi maging sa sports na taekwondo na siyang nagwagi ng unang Asian Games gold medal mula pa noong 1994.

Nagwagi si Yape ng makamit ang 2-0 na panalo laban kay Chau Ngoc Tuyet Sang ng Vietnam sa individual virtual taekwondo.

Nagkamit rin siya ng bronze medal sa Men’s Individual Poomsae matapos na magtala ng average ng 9.0900.

-- ADVERTISEMENT --

Makakasama ni Yape sa Closing ceremony ang kapwa Asian Games silver medalists na sina Juliana Mykhail Candelaria sa Taekwondo, Tachiana Keizha Mangin sa Taekwondo, Kurt Bryan Barbosa sa Taekwondo , at Carlo Paalam ng Boxing.