-- ADVERTISEMENT --

Inireklamo ni Vice President Sara Duterte ang 60-day suspension kay Cavite 4th District Rep. Francisco Barzaga, itinuring niya itong bahagi ng serye ng hakbang para patahimikin ang mga nagsasabi ng katotohanang hindi komportable.

Ipinataw ang suspension ng House Ethics Committee kay Barzaga dahil sa umano’y lewd photographs at “ostentatious display of wealth.” Ayon sa neophyte lawmaker, ang tunay na dahilan ng parusa ay ang kanyang kritisismo sa administrasyong Marcos.

Ani Duterte, hindi ito ang unang pagkakataon na ang mga kritiko ng gobyerno ay ginagamitan ng parusa. Binanggit niya ang umano’y kidnapping ng dating presidente at pagsampa ng inciting to sedition cases sa ilang indibidwal, kabilang siya, dahil sa pagtatanong sa may kapangyarihan.

Binigyang-diin niya na ang dissent ay hindi dapat ituring na banta at ang karapatang magsalita ay isang “fundamental right” na protektado ng Konstitusyon.

DAgdag ng Pangalawang pangulo, karapatan ng bawat Pilipino, lalo na ng mga public servant, na ilahad ang katotohanan. Ang demokrasya aniya ay nangangailangan ng tapang, kalayaan sa pagsasalita, at karapatang magtanong.

-- ADVERTISEMENT --