-- ADVERTISEMENT --
Patuloy ang ginagawang paghahanap ng mga otoridad sa nasa likod ng pamamaril sa Brown University sa Rhode Island.
Ayon kay Rhode Island Attorney General Peter Neronha , na humingi na sila ng tulong sa iba’t-ibang mga ahensiya para mahanap ang suspek.
Ang una kasing inaresto nilang suspek ay kanilang papakawalan dahil sa walang sapat na ebidensiya silang nakalap.
Magugunitang dalawang katao ang nasawi at siyam na iba pa ang sugatan ng walang habas na pinagbabaril sila ng supsek Ivy League University sa Providence City.
Dagdag pa ni Providence Police Chief Col Oscar Perez , na ang unang tao na kanilang naaresto ay iba sa nakita sa CCTV na nakuha bago ang atake.











