Pinalaya ng San Pablo Police ang itinuturong suspek sa brutal na pagpatay sa isang 8-anyos na bata sa San Pablo City, Laguna, matapos matukoy ng City Prosecutor’s Office na kulang ang ebidensya laban sa kaniya.
Ayon sa imbestigasyon, ang suspek ay pinsan ng ama ng bata at kapitbahay rin nila.
Nawawala ang bata noong Biyernes habang papunta sa paaralan at natagpuang patay na may maraming saksak sa isang damuhan malapit sa kuweba.
Dalawang saksi ang tumukoy sa 59-anyos na lalaki bilang suspek, ngunit hindi pa narekober ang ginamit na kutsilyo at ang mga damit na may dugo.
Ayon sa pulisya, ang alitan ng bata at ng apo ng suspek ang naging ugat ng krimen.
Itinanggi ng suspek ang akusasyon, samantalang naniniwala ang ama ng biktima na responsable ang pinsan sa pagkamatay ng anak.











