Matapos ang ilang Linggo na paghahasik ng lagim ay nasakote na ng Pulisya ang mga itinuturing na suspects sa serye ng holdapan sa ilang bayan sa Isabela matapos ang isang operasyon sa Barangay Apanay Alicia, Isabela.
Sa exclusive interview ng Bombo Radyo Cauayan kay Pmaj. Felix Mendoza ang hepe ng Alicia Police Station, sinabi niya na ang pagkakahuli sa mga suspek ay dahil sa napaulat na panibagong robbery incident sa Ramon, Isabela.
Aniya maagap na nag-ulat ang biktima kaya agad na naglabas ng flash alarm ang Ramon Police Station sa mga karatig na himpilan ng pulisya, dahil natukoy ang diskripsyon ng mga suspek maging ng sasakyan na kanilang ginamit sa pamamagitan ng mga kopya ng CCTV.
Ang ikinasang hot pursuit operation ay mabilis na nai-coordinate sa mga himpilan sa Ramon, Echague at Alicia katuwang ang iba’t ibang unit ng IPPO sa pamamagitan ng radio communication.
Matagumpay na naharang ng mga operatiba ang dalawang suspect sa pagnanakaw. Sa katunayan aniya nakuha na rin nila ang warrant of arrest ng isa sa mga ito na inilabas ng korte dahil sa paglabag sa article 209 ng revised penal code o robbery.