-- ADVERTISEMENT --

Siniguro ng Department of Agriculture (DA) at maging ng Food Terminal Inc. (FTI) na sapat ang supply na mayroon ang pamahalaan para sa pagpapatuloy ng Benteng Bigas Meron na (BBM) program.

Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., patuloy ang isinasagawang replenishment ng National Food Authority (NFA) sa kanilang mga stock upang masiguro na tuloy-tuloy ang pagbebenta nito sa mga Kadiwa Stores na siyang bukas na sa buong bansa.

Aniya, naiintindihan ng kanilang tanggapan na posible talagang magdulot ng stocking anxiety ang ongoing armed conflict sa Gitnang Silangan lalo na sa mga bahagi ng vulnerable sector.

Ngunit binigyang diin ng kalihim na ang pag-aksyon dahil sa pangamba o panic ay posible lamang na magpalala sa kasalukuyang sitwasyon.

Pagtitiyak pa ni Tiu Laurel, mayroong sapat na buffer stock ang bansa dahil na rin aniya sa magandang ani ngayong taon.

-- ADVERTISEMENT --

Hindi rin aniya kailangang mangamba ng publiko lalo na ng mga benepisyaryo ng programa dahil patuloy aniya na magiging available ang pamamahagi ng bigas sa ilalim nito hanggat ito ay nakarehistro sa Benteng Bigas Regsitry System.

Samantala, upang masiguro naman na maiiwasan ang hoarding sa mga bigas na ibinebenta sa ilalim ng programa, mahigpit na ipinapatupad ng departamento ang pagbili ng hanggang sa 10 kilo ng bigas kada araw kada benepisyaryo.